Korte Suprema: Ilang parte ng Anti-Terrorism Act 'labag sa konstitusyon'

Protesters wearing face masks and face shield against Covid-19, hold an anti-terror law banner during a protest outside the supreme court in Manila on February 2, 2021, as the tribunal prepares to hear a case asking the court to declare the law as unconstitutional.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Idineklarang labag sa Saligang Batas ng Kataang-taasang Hukuman ang ilang probisyon ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020, na matagal nang pinupuna sa diumano'y pagtapak nito sa mga demokratikong karapatan.

Sa botong 12-3, idineklarang unconstitutional ng Supreme Court ang ibinigay na depenisyon ng terorismo (Section 4 ng Republic Act 11479) habang unconstitutional din ang ikalawang paraan ng designation bilang terorista (Section 25 paragraph 2), ayon sa pahayag na inilabas, Huwebes.

Sa unang bahagi, sinasabing "masyadong malawak" ang naunang bahagi ay tumutukoy sa terorismo pagdating sa mga protesta, na hindi lang daw terorismo kung "hindi nito layong makapatay o magdulot ng matinding pagkakapinsala sa tao, o maglagay sa buhay ng tao sa panganib, o gumawa ng seryosong banta sa kaligtasan ng publiko."

Minsan ay nagkakaroon ng mga pisikal na komprontasyon sa mga protesta, welga, atbp., na nauuwi sa pagkakasugat ng ilan kahit na walang layuning magsagawa ng terorismo.

Sa kabila nito, partial na tagumpay lang ito sa mga kritiko ng naturang batas pagkat napanatili nito ang karamihan ng mga probisyon bilang "ligal."

"On the basis of the current petitions, all the other challenged provisions of R.A. 11479 are not unconstitutional," wika ng pahayag ng korte.

"The main ponencia and the various opinions contain interpretations of some of the privision declared in these cases as not unconstitutional."

Ilan sa mga probisyong labis na tinututulan ng mga aktibista, kritiko ng administrasyon at human rights advocates ang:

  • warrantless arrests: pwedeng ikulong ng mga "pinaghihinahalaang gumawa, nagpaplanong gumawa, nakikipagsabwatang gumawa ng terorismo" hanggang 14 na araw, na maaaring pahabain pa ng 10 araw
  • walang danyos sa inosente: tinanggal ng anti-terror law ang probisyon ng Human Security Act of 2007 na nagbibigay ng P500,000 danyos perwisyos kada araw sa sinumang suspek ng terorismo na mapatutunayang inosente pala
  • paniniktik: maaaring i-wiretap nang pasikreto, o tiktikan, ang mga "pinaghihinalaang terorista," sa loob ng 60-araw. Maaari itong palawigin pa nang 30 araw
  • designation ng Anti-Terrorism Council: pwedeng ideklarang terorista ng ATC ang mga inibidwal, organisasyon o asosasyon basta't may "probable cause" — kahit hindi naman sila korte

Sa kabila nito, ang lahat ng nabanggit sa itaas at mga nalalabing parte ng batas, ay pinaninindigan ng korte bilang "sang-ayon" sa 1987 Constituon.

Show comments