Magsa-substitute?: Sara Duterte-Carpio umatras na sa re-election bid sa Davao City

Pre-campaign billboards showing support for potential Duterte-allied candidates flank major thoroughfare EDSA as seen on Monday, Nov. 8, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Ilang araw bago pumasok ang deadline ng substitution sa eleksyong 2022, biglang umatras sa muling pagtakbo sa parehong pwesto si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ang ibinunyag ni Inday Sara ngayong araw matapos ang matagal-tagal nang tsismis na may balak siyang tumakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon.

"Ngayong hapon wini-withdraw ko ang aking kandidatura sa pagka-Mayor ng Davao City," wika ng presidential daughter sa kanyang Facebook page, Martes.

"Si VM Baste ang papalit sa akin. Ito lamang po muna sa ngayon. Maraming salamat po."

Kanina lang nang ihayag ng kanyang kapatid na si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte na aatras na rin siya sa kanyang re-election bid sa susunod na taon.

Ang deadline ng substitution para sa 2022 national elections ay nakatakda sa ika-15 ng Nobyembre. Dati nang nag-substitute ang kanyang ama at kasalukuyang Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 national elections.

Dati nang sinabi ni PDP-Laban presidential aspirant Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na handa siyang umatras sa pagtakbo sa pagkapangulo oras na mag-substitute para sa kanya ang anak na babae ni Digong.

Sa kabila nito, wala pang confirmation kung tatakbo si Sara para sa ibang posisyon sa darating na halalan.

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

RELATED VIDEO:

 

Show comments