^

Bansa

Duterte mananalo kung kakandidatong senador

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Duterte mananalo kung kakandidatong senador
Sinabi ni da­ting House Speaker at senatorial aspirant Alan Peter Cayetano, kinatawan ng Taguig-Pateros, legal at moral kung kakandidatong senador si Pangulong Rodrigo Duterte na isinusulong ng mga kaalyado nito sa PDP-Laban Cusi faction.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Positibo si da­ting House Speaker at senatorial aspirant Alan Peter Cayetano na malaki ang tsansa ni Pangulong Rodrigo Duterte na magwagi kung kakandidato itong senador sa 2022 national elections .

Sinabi ni Cayetano, kinatawan ng Taguig-Pateros, legal at moral kung kakandidatong senador si Pangulong Rodrigo Duterte na isinusulong ng mga kaalyado nito sa PDP-Laban Cusi faction.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag sa gitna na rin ng mga patutsada at ’di pagsang-ayon ng mga kritiko na sumabak sa senatorial race ang Pangulo.

May hanggang Nob­yembre 15 pa para mag­palit mag-withdraw ang mga kandidato.

Ayon kay Cayetano, lahat ng ginawa ni Pa­ngulong Duterte ay nakabuti sa bayan lalo na ang kampanya kontra droga.

Kung kakandidatong senador si Duterte ay wala anyang masama dahil si dating Pa­ngulong Gloria Ma­capagal Arroyo ay kumandidato rin at nagwagi bilang Kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga.

Kung naging Spea­ker ng Kamara si Arroyo ay posible rin umanong maging Senate President si Duterte.

PETER CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with