^

Bansa

P493.76 milyong halaga ng agrikultura winasak ng bagyong 'Maring'

Philstar.com
P493.76 milyong halaga ng agrikultura winasak ng bagyong 'Maring'
This handout photo taken on October 11, 2021 and received on October 12 from Gonzaga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (GONZAGA-MDRRMO), shows rescuers evacuating residents from their homes near a swollen river due to heavy rains brought about by Tropical Storm Kompasu in Gonzaga town, Cagayan province, north of Manila.
Handout / GONZAGA MUNICUPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE / AFP

MANILA, Philippines — Milyun-milyong halaga ng pinsala ang tinamo ng sari-saring probinsya sa sektor ng agrikultura sa paglabas ng bagyong "Maring," pag-uulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

Sumatutal, pumalo na sa P493,766,744.67 halaga ng pinsala sa agrikultura ang naitala Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region:

  • Region 1 (P262,518,842.7)
  • Region 2 (P114,079,695.93)
  • CAR (P117,168,206.04)

Matatandaang nagdala ng matitinding pagbaha ang Severe Tropical Storm Maring sa sari-saring probinsya, lalo na sa mga lugar gaya ng Hilagang Luzon.

Aabot sa mahigit 22,731 ektaryang taniman sa ngayon ang napinsala ng bagyo, maliban pa sa 7,480 apektadong livestock o poultry.

Tinatayang nasa P2.47 milyong halagang damage naman ang tinamo ni "Maring" sa mga palaisdaan, bagay na naitala lang sa Rehiyon ng Ilocos.

Pagdating sa direktang epekto ng bagyo sa tao, inilabas ng NDRRMC ang mga sumusunod na datos:

  • patay (13, bineberipika pa)
  • sugatan (3, bineberpika pa)
  • nawawala (1 validated, 8 bineberipika pa)
  • apektadong residente (21,511)
  • nasa loob ng mga evacuation centers (1,513)

Ang mga nabanggit ay nagmula sa Region 1, Region 2, Region 3, MIMAROPA, CARAGA at CAR.

Bagama't wala na sa Philippine area of responsibility ang bagyong "Maring," pinalalakas pa rin nito ang epekto ng Hanging Habagat sa bansa.

Dahil diyan, maaasahan ang mga pag-ulan sa Bataan, Zambales, Occidental Mindoro at Palawan, ayon sa PAGASA. — James Relativo

AGRICULTURE

DAMAGE

MARING

NDRRMC

PAGASA

SEVERE TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with