Bagyong 'Maring' tumindi, posibleng maging tropical storm bukas

Namataan ang sentro ng Tropical Depression Maring 10 a.m., Biyernes, 400 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, ayon sa pinakahuling tala ng PAGASA.
RAMMB

MANILA, Philippines — Lalo pang nakapag-ipon ng lakas ang bagyong "Maring" habang paiba-iba ang kilos sa ibabaw ng Philippine Sea, pagtataya ng state weather bureau ngayong araw.

Namataan ang sentro ng Tropical Depression Maring 10 a.m., Biyernes, 400 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, ayon sa pinakahuling tala ng PAGASA.

  • Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
  • Direksyon: timogkanluran
  • Bilis ng kilos: 15 kilometro kada oras

"Today, light to moderate with at times heavy rains are still possible over Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Cebu, and Bohol due to the trough of Tropical Depression 'MARING,'" sabi ng PAGASA sa isang pahayag kanina.

"Light to moderate with at times heavy rains may begin affecting Occidental Mindoro, Palawan, and the rest of Visayas tomorrow as the southwesterlies enhanced by the depression begins to affect the central portion of the country."

Sa ngayon, merong katamtaman hanggang mataas na posibilidad na magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa ilang probinsya sa Hilagang Luzon sa Sabado.

Pinamataas na raw rito ang Signal no. 2, ngunit hindi naman daw malayo na ilagay sa mas mataas na TCWS ang mga lugar labas sa Northern Luzon sa loob ng forecast period.

"Erratic" o paiba-iba ang pagkilos ng tropical depression habang nagpapalakas ito sa susunod na 12-24 oras. 

"Gradual intensification may take place beginning Saturday. 'MARING' may reach tropical storm category by Saturday morning and severe tropical storm by Monday morning," patuloy pa ng gobyerno.

"Current intensity forecast shows a peak intensity reaching 95 km/h within the forecast period."

Una nang nabanggit ng pamahalaan na maaaring mag-landfall ang naturang sama ng panahon sa Babuyan Islands pagsapit ng Lunes— James Relativo

Show comments