Bagyong 'Maring' posibleng hagipin Babuyan Islands sa Lunes

Satellite image ng Tropical Depression Maring mula sa kalawakan
earth.nullschool.net

MANILA, Philippines — Isa na namang bagyo ang nakapasok ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong araw, bagay na sumunod sa kalalabas lang na bagyong "Lannie," ayon sa PAGASA.

Bandang 4 p.m. nang mamatan ang Tropical Depression Maring 505 kilometro silangan ng Virac, Catandanuanes ngayong Huwebes.

  • Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: 55 kilometro kada oras
  • Direksyon: timog timogsilangan
  • Bilis ng kilos: 15 kilometro kada oras

Bandang 2 p.m. nang mabuo ang bagyong "Maring" matapos lumakas ng isang low presssure area sa Philippine Sea kanina.

"By Sunday afternoon, it will move west northwestward towards Extreme Northern Luzon and may pass close or make landfall over Babuyan Islands by Monday," dagdag pa ng state weather bureau.

"'MARING' is forecast to remain tropical depression while moving over the Philippine Sea and may intensify into tropical storm by Sunday afternoon."

May katamtaman hanggang mataas na tiyansang mag-develop pa lalo ang bagyo at itaas ang Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa ilang probinsya ng Northern Luzon pagsapit ng Sabado ng umaga o hapon.

Sa ngayon, pinakamataas na posibleng itaas na TCWS ay Signal no. 2, ngunit maaari pang tumaas ito mula roon.

Wala pang nakababang TCWS sa ngayon sa anumang bahagi ng Pilipinas. Gayunpaman, magdadala ng mga katamtaman at minsanang malalakas na pag-ulan ang bagyo sa Eastern Visayas.

Show comments