Wish ni Roque: Magka-COVID-19 ang nagpapakalat ng fake news

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa tingin niya ay sinasadya ang pagpapakalat ng fake news kaya dumagsa ang mga mamamayan sa ilang vaccination centers sa National Capital Region dahil sa takot na hindi makakakuha ng ayuda o kaya ay hindi na makakalabas ng bahay simula ngayon na iiral ang enhanced community quarantine.
STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Naimbyerna si Presidential spokesperson Harry Roque sa mga nagpapakalat ng fake new sa gitna ng pandemya at pagtaas ng bilang ng may Delta variant.

Ayon kay Roque, sa tingin niya ay sinasadya ang pagpapakalat ng fake news kaya dumagsa ang mga mamamayan sa ilang vaccination centers sa National Capital Region dahil sa takot na hindi makakakuha ng ayuda o kaya ay hindi na makakalabas ng bahay simula ngayon na iiral ang enhanced community quarantine.

Nagtataka si Roque kung bakit hindi pa tamaan ng COVID-19 ang mga walang matinong ginagawa sa buhay na nagpapakalat ng fake news.

“Tingin ko po mayroon talagang nagpapakalat ng fake news. Mayroon talagang walang matinong ginagawa sa buhay nila. Ewan ko ba kung bakit hindi pa sila ma-COVID no,” ani Roque.

Ilang ulit na nilinaw ni Roque na hindi totoong walang ayudang makukuha o kaya naman ay hindi na makakalabas ng bahay ang mga hindi pa kumpleto ang bakuna.

Pinayuhan pa ni Roque ang mga mamamayan na manood at makinig sa mga government communication entities upang hindi mabiktima ng fake news.

Tiniyak din ni Roque na makakatanggap ng ayuda ang mga nasa ECQ kahit pa hindi mga bakunado.

Mas mabuti rin aniya na huwag ng lumabas ng bahay maliban na lamang kung bibili ng mga pangunahing pangangailangan.

Show comments