Bill na maglilibre sa buwis sa bayad sa ‘poll watchers’ ok na sa Kamara

MANILA, Philippines — Pasado na sa second reading ng Kamara ang panukalang ilibre sa buwis ang bayad sa mga ‘Élection Board of Inspectors’ (BEI) at iba pang mga nagsisilbi sa eleksyon, na karamihan mga guro.

Binalangkas at inihain ni Albay 2ndDistrict Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng ‘House Ways and Means Committee, layunin ng House Bill 9652 na amyendahan ang ‘1997 National Internal Revenue Code’ at huwag nang isama sa taunang kita at buwisan pa ang mga bayad sa mga naglilingkod sa panahon ng halalan.

Tinawag ni Salceda ang mga ‘poll watchers’ na ”Democracy Frontliners” na nais niyang masiglang pakinabangan ang ba-yad sa kanila at kilalanin ang napakahalaga nilang paglilingkod tuwing may halalan, lalo na sa susunod na taon kung kailan manganganib pa sila sa pandemya.

Nais niyang maapru-ba agad ang HB 9652 para uma­bot ito sa 2020 eleksiyon.

“Dahil nga sa mga panganib na susuungin ng mga ‘election workers’ at maliit lang ang ba-yad sa napakahalagang papel nilang gagampanan at maliit din naman ang sisingiling buwis sa kanila, ang panukalang ito ay hindi malaking kawalan sa pondo ng pa­mahalaan,” madiin niyang paliwanag.

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), ang buwis na kinaltas sa kanila noong 2019 Pambansa at Lokal na Halalan ay umabot sa P56.8 million. “Hindi ito kalakihan at katumbas lamang marahil ito sa ibabayad dapat ng isang “big-time tax evader,” dagdag ni Salceda.

Pinuna ni Salceda na dapat mabakunahan agad ang mga magsisilbing ‘poll watchers’ at bigyan ng karagdagang benepisyo kung sila’y mahawaan ng COVID-19 sa panahon ng halalan.

 

Show comments