MANILA, Philippines — Tuluyan nang naging bagyo ang noo'y low pressure area na nakapasok ng Philippine area of responsibility (PAR), bagay na nakikitang lalakas pa sa mga susunod na mga oras, ayon sa state weather bureau.
Bandang 10 a.m. nang mamamataan ng PAGASA ang Tropical Depression Gorio 730 kilometro hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes.
- Lakas ng hangin: papalo hanggang 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: aabot ng 55 kilometro kada oras
- Pagkilos: 20 kilometro kada oras pa-silangan hilagangsilangan
Sa kabila nito, hindi nakikita ng PAGASA na makaaapekto nang direkta sa lagay ng panahon ng Pilipinas ang bagyo sa kabuuan ng forecast period.
"However, the Southwest Monsoon may bring moderate to heavy rains over Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, and some parts of the western section of Central and Southern Luzon," patuloy ng state meteorologists.
"'GORIO' is forecast to intensify into a tropical storm in the next 12 hours and may exit PAR by tomorrow morning."
Maliit pa naman ang tiyansang magtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang anyong lupa sa bansa kaugnay ng bagyong "Gorio."
TROPICAL CYCLONE BULLETIN NO. 1
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) August 4, 2021
Tropical Depression “#GorioPH”
Issued at 11AM 04 August 2021
Valid for broadcast until the next bulletin at 5PM today.
Link:https://t.co/cuPeSaaB1Q pic.twitter.com/6qnt57Ut7Y
Sa kabila niyan, inaabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management offices na mag-ingat para protektahan ang buhay at mga ari-ariang maaaring mapinsala.
Inaabisuhan na rin ang lahat ng mga taong nakatira sa mga "highly or very highly susceptible" areas sa mga panganib na sumunod sa paglikas at ibang utos sa mga local officials kung kakailanganin.
Bandang 8 a.m. nang pormal na maging tropical depression ang bagyo sa ibabaw ng Philippine Sea, dagdag pa ng PAGASA. — James Relativo