MANILA, Philippines — Inaalam pa ng Malacañang kung naging "close contact" si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang anak na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).
COVID-19 positive kasi ngayon ang anak ni Presidente Digong na si Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte, ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Miyerkules.
Related Stories
"Wala po akong alam na close contact si presidente," ani presidential spokesperson Harry Roque Huwebes sa isang media briefing.
Kilalang balwarte ng pamilya Duterte ang lungsod at probinsya ng Davao, kung saan nagsasalitan sila-sila sa iba't ibang government posts.
Dahil dito, ilang beses na natatawag bilang "political dynasty" ang kanilang angkan, gaya ng iba pang mga political families.
Sara Duterte pass muna sa SONA
Bagama't hindi pa tiyak kung makakaapekto ang pagpositibo ni Baste sa State of the Nation Address (SONA) attendance sa darating na Lunes, meron nang ilang mga Duterte na una nang nagpahayag na hindi makadadalo.
"Nag-confirm na po si Mayor Sara na hindi po siya darating. Hindi ko lang po alam kung makakarating si Deputy Speaker Pulong [Paolo Duterte]. But I understand the number of members of Congress attending are also very limited po," patuloy ni Roque.
Usap-usapan ngayon ang planong pagtakbo ni Sara sa pagkapangulo sa 2022 habang si Digong naman at patuloy na nililigawan ng kanyang partidong PDP-Laban para tumakbo sa pagka-bise presidente sa susunod na taon.