MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Fabian kahapon habang patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran.
Si Fabian ay namataan ng Pagasa sa layong 960 kilometro silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 100 km kada oras at pagbugso na 125 km bawat oras.
Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 km bawat oras.
Ngayong Miyerkules, si Fabian ay inaasahang nasa layong 725 km hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon at sa Sabado ay inaasahang lalabas na ng ating bansa.