‘Fabian’ napanatili ang lakas
MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong Fabian ang kanyang lakas at napalawak ng habagat habang kumikilos pahilaga hilagang kanluran ng Philippine sea.
Namataan ang sentro ni Fabian sa layong 1,245 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at pagbugso na 70 km bawat oras.
Si Fabian ay kumikilos sa bilis na 15 km bawat oras.
Ang habagat ang nagpapalakas kay Fabian at inaasahang magpapaulan sa may Palawan at Occidental Mindoro sa loob ng 24 oras.
Inaasahang lalabas ng bansa si Fabian sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga papuntang Ryukyu Islands sa Japan.
- Latest