^

Bansa

DILG ikinatuwa pagbasura ng Maynila sa kanilang 'no walk-in' vaccination policy

James Relativo - Philstar.com
DILG ikinatuwa pagbasura ng Maynila sa kanilang 'no walk-in' vaccination policy
Security personnel remind people to observe health protocols as they queue for their COVID-19 vaccine at the SM City San Lazaro in Manila on June 22, 2021. After a low turnout of COVID-19 vaccine recipients from various vaccination sites on Monday, Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso scraps the no walk-in policy to accomodate more people wanting to be inoculated.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Imbis na mabahala, ikinatuwa ng Department of the Interior and Local Government ang panunumbalik ng ng walk-in vaccinations laban sa coronavirus disease sa Lungsod ng Maynila, bagay na una na nilang itinigil ngayong Linggo.

Matatandaang Lunes nang ibalik ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa Lungod kahit hindi pa rehistrado, matapos na 4,800 sa 28,000 lang sa scheduled vaccinees ang pumunta sa mga bakunahan.

"Any strategy na makakatulong... without offending our established health protocols and other essential protocols sa vaccination is a welcome strategy," ani acting Interior spokesperson Odilon Pasaraba, Miyerkules, sa Laging Handa Briefing kanina.

"Hindi pa namin nakakausap ang butihing alkalde ng Manila, but of course Secretary Ed Año... encourages local chief executives to develop strategies para ma-ramp [up] and at the same time mapabilis talaga ang vaccination."

Aniya, ito raw ang tamang paraan para maging kampante at ligtas ang mga Pilipino sa gitna ng tumitinding COVID-19 pandemic.

Marso lang nang iulat ng Pulse Asia na 60% ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19, kung saan na-cite ang pag-aalinlangan sa mga naturang gamot bilang rason.

Una nang sinabi ng Department of Health na pwede namang magtayo ng "walk-in lanes" ang mga local government units kung makatutulong ito sa inoculations. Gayunpaman, dapat daw na limitahan lang ito upang mapigilan ang kumupulan sa mga vaccination sites na pwedeng pagmulan din ng hawaan ng COVID-19.

"They can set up specific lanes for walk-ins. I think that would be recommended because that’s organized. You are separating walk-ins from those who were scheduled to get vaccinated to avoid crowding," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Mayo.

"Local governments should be able to organize this properly. They should have a target number on how many walk-ins will be accommodated per day to prevent overcrowding in vaccination sites."

Dinagsa noon ang ilang vaccination sites kung saan nagde-deploy ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines habang nilalangaw naman ang ilang sites kung saan nag-aalok ng libreng CoronaVac vaccine mula Tsina.

Pagbabanta vs insentibo

Nitong Lunes lang nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang ipakulong ang mga patuloy pa ring ayaw magpabakuna kahit na nariyan na ang gamot, sa dahilang banta ito sa kalusugan ng iba.

Gayunpaman, inilinaw nina presidential spokesperson Harry Roque at Justice Secretary Menardo Guevarra na kinakailangan munang magkaroon ng batas para maipatupad ito. Sa kabila niyan, may kapangyarihan naman daw ang estado na mag-utos ng mandatory vaccinations, ani Roque.

Imbis na pagbabanta ng kulong, ipinatutupad naman sa ilang lugar ang pamimigay ng insentibo gaya ng libreng "gas cards," pagkain, inumin at discounts oras na makakuha ng COVID-19 jabs.

Sa huling ulat ng DOH nitong Martes, umabot na sa 1,367,894 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, binawian na ng buhay ang nasa 23,809 katao.

COVID-19 VACCINES

FRANCISCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with