^

Bansa

DOH bukas ipagamit Sinovac vaccine sa mga batang edad 3-17

James Relativo - Philstar.com
DOH bukas ipagamit Sinovac vaccine sa mga batang edad 3-17
A health worker prepares to inoculate a resident with a Sinovac dose of Covid-19 vaccine during a mass vaccination at a housing apartment in Surabaya on June 6, 2021.
AFP/Juni Kriswanto

MANILA, Philippines — Bukas ang Pilipinas sa posibilidad ng pagtuturok ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) mula sa isang Chinese manufacturer para sa mas malawak na hanay ng mga menor de edad oras na maisumite nila sa local experts ang mga bagong pag-aaral at marebisa ang kanilang emergency use authorization.

Aprubado na kasi sa Tsina ang emergency use ng CoronaVac vaccine ng kumpanyang Sinovac para sa mga batang tatlong taong gulang hanggang 17.

Sa ngayon, tanging 18-anyos pataas lang ang pinapayagang maturukan ng CoronaVac alinsunod na rin sa EUA na inaprubahan ng Food and Drug Administration.

"Tayo ay laging bukas sa mga ganitong makabago at tska mga innovative na ginagawa para ma-expand natin ang coverage ng ating pagbabakuna," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes.

"Pagka nabuo na nila ang kanilang mga ebidensya, nakumpleto nila ang trial at nagsumite sila dito sa Pilipinas ng revision ng kanilang [EUA], pag-aaralan po 'yan ng ating mga eksperto. At kung mapatunayan natin na ito'y magiging ligtas, and it's going to protect our children, of course the Philippines will be open to this."

Aniya, magandang balita ito kung makikitaan ng accuracy ang pag-aaral ng Tsina pagdating dito dahil buong mundo lang ang makikinabang dito at hindi lang Pilipinas.

Isa ang pagbabakuna sa nakikita ngayon ng mga eksperto para mapabilis ang pagbabalik ng face-to-face na mga klase, bagay na isang taon nang naantala simula nang ibaba ang unang community quarantine restrictions noong Marso 2020.

Sa ngayon, tinitignan na rin ng Pilipinas ang pagpayag sa pagtuturok ng Pfizer COVID-19 vaccines sa mga batang 12-15 taong gulang.

Ngayong Hunyo lang nang i-validate ng World Health Organization ang emergency use para sa CoronaVac, at naglabas na rin ng interim policy recommendations para sa nasabing gamot.

Una nang natapos ng Sinovac ang kanilang Phase I at II clinical research stage, na siyang nilahukan ng daan-daang volunteers mula sa nasabing age group. Aniya, "napatunayang ligtas at episiyente" na ito gaya na lang sa mga adults.

Umabot na sa 600 milyong doses ng Coronavac ang naipamahagi sa mahigit 40 bansa at rehiyon, kasama ang Tsina.

Samantala, 5,695,651 doses na ng bakuna ang naituturok ngayon sa Pilipinas, habang 1,544,332 katao naman ang nabibigyan na ng kumpletong COVID-19 vaccines sa Pilipinas, as of June 6, 2021.

CHINA

CORONAVIRUS DISEASE

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

SINOVAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with