Physicians Act Bill aprub na sa Kamara

MANILA, Philippines — Aprubado na sa Kamara ang isang batas na ma-mamahala at gagabay sa lahat ng medical professio-nals sa bansa.

Ang panukalang “Physicians Act” na pangunahing iniakda at inisponsor ni Rep. Angelina “Helen” Tan ng 4th District ng Quezon, ay layuning i-repeal ang outdated o wala na sa panahong Medical Act of 1959 na wala ng pakinabang sa scientific advancements at medical landscape ng makabagong panahon.

Ipinaliwanag ni Tan, na isa ring medical professional at Chairperson ng Committee on Health, na sakop ng Physicians Act ang regulasyon ng medical education, kabilang dito ang clinical clerkship, post-graduate medical internship, licensure at residency program.

Layunin ng batas ang makapagtatag ng Integrated National Professional Organization of the Physicians, na magsisilbing national organization kung saan lahat ng doktor ay magiging mandatory member – ito ay isang modelong ginaya sa Integrated Bar of the Philippines.

Ipinaliwanag pa ni Tan na.. “This organization will become a partner of the government authorities in all its activities concerning physicians. A unified group of physicians will definitely elevate the standards of the medical profession, improve healthcare delivery, and enable the physicians to discharge their responsibility more effectively.”

Show comments