MANILA, Philippines — Kinontra ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili, Lunes ng gabi, matapos ipagpilitang hindi niya ipinangako sa taumbayan na babawiin ang West Philippine Sea na pilit inaagaw at inookupa ng Tsina.
Kagabi lang kasi nang sabihin niya ang mga sumusunod sa kanyang regular na "Talk to the People" address:
Related Stories
"I never, never in my campaign as president promised the people that I would retake the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China. I never mentioned about China and the Philippines in my campaign because that was a very serious matter. We need to have a diplomatic talkatise diyan. Eh hindi ako diyan... nandiyan sa ating Foreign Affairs, trabaho nila ‘yan. I never... Kayo, you pretended to work on it. Ako, wala kasi wala naman akong... I never promised anything."
Actually, nangako si Duterte
Sa totoo lang, ipinangako niya ito noong tumatakbo pa siya sa pagkapangulo taong 2016.
Narito ang ilang sipi mula kay Duterte noong April 2016 presidential debates:
"I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary diyan sa Spratly, Scarborough. Bababa ako, sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko 'yung flag ng Pilipino at pupunta ako run sa airport nila. Itanim ko then I would say, 'This is ours and do what you want with me.'"
Never promised?
— Philstar.com (@PhilstarNews) May 4, 2021
President Rodrigo Duterte claims he never promised to retake the West Philippines Sea during his campaign for the presidency back in 2016. pic.twitter.com/19OO0Fk4uy
Ang Panatag (Scarborough) Shoal o Bajo de Masinloc ay 120 nautical miles lang mula sa Luzon, pasok sa 200 nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Nasa loob 'yan ng West Philippine Sea na kinikilala ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), pero hinaharang ngayon ng mga Tsino ang mga Pilipino doon. Ang Spratlys Islands ay inaangkin ng Maynila, Beijing at iba pang claimant states.
Ni-reference pa nga uli ni Duterte ang sipi sa itaas, at binanggit pa na "nagbibiro lang siya" noong 2016 presidential campaign. May simple pa ngang kantyaw ang presidente sa lahat ng naniwala sa kanyang pangako.
"Iyong sabi ko mag-jet ski ako doon sa China, ay kalokohan ‘yon. Wala gani akong heaven road. Istorya lang man ‘yon. Maniwala pala kayo," sabi niya sa isang tampati sa Davao City noong 2018.
Dismayado sa pangako... kahit kaalyado
Kahit na kaalyado mismo ni Digong na si Sen. Manny Pacquiao, hindi naiwasang madismaya sa sinabi ng pangulog pagdating sa pagtatanggol sa soberanyang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
"Nakakapanghina kasi iba sa simula. Narinig natin bago mag-eleksyon, sa kampanya, noong sinabi niya na mag-jet ski siya dala ang bansang Pilipinas," wika ng boxer-turned-politician kagabi.
"Sa puso ko noon, sabi ko, ito na iboboto ko... Tapos ito ang crucial na pangyayari ngayon."
Ayon naman kay Renato Reyes Jr., secretary general ng militanteng Bagong Alyansang Makabayan, pagpapakita lang daw ito na talagang "budol" lang ang nangyari noong panahon ng eleksyon.
Pagkarami-rami raw kasing ipinangako ni Digong noong 2016 pero hindi naman natutupad: "Walang kwenta ang salita at pangako ng Pangulo. Swindler kumbaga. Yung mga pinangako nung eleksyon na hindi natupad, di raw talaga pangako yun. Jetski sa West Philippine Sea? Contractualization will stop? Corruption will end? Illegal drugs and crime will end?" sabi niya ngayong Martes.
Walang kwenta ang salita at pangako ng Pangulo. Swindler kumbaga. Yung mga pinangako nung eleksyon na hindi natupad, di raw talaga pangako yun. Jetski sa West Philippine Sea? Contractualization will stop? Corruption will end? Illegal drugs and crime will end?
— Renato Reyes, Jr. (@natoreyes) May 4, 2021