^

Bansa

Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee

Philstar.com
Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee
Kita ang paglikas ng mga residenteng ito sa bubong ng isang bahay sa Ilagan, Isabela, ika-14 ng Nobyembre, 2020, ilang araw matapos ragasain ng Typhoon Ulysses ang Pilipinas
AFP/Bill Visaya, File

MANILA, Philippines — Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.

Lunes nang iulat ng Gabriela Women's Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance sa mga tinamaan ng bagyong "Ulysses" at "Rolly" nitong 2020.

Ang nasabing resolusyon — na iba ang bisa sa isang panukalang batas — ay ibinalangkas nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, Kabataan Rep. Sarah Jane Elago at ACT Teachers Rep. France Castro nitong Disyembre.

Merong P13.7 bilyong "hindi nagastos" na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa "Assistance to Individuals in crisisa Situation" (AICS) program na maaari raw ipamahagi ng gobyerno sa mga nasalanta ng Typhoon Rolly at Ulysses, ayon sa six-member Makabayan bloc sa Kamara.

 

 

Una nang in-adopt ng Mataas na Kapulungan ang Senate Resolution 574 na umuudyok din sa DSWD na pabilisin ang paglalabas ng nalalabi nitong pondo para ipamahagi sa mga binagyong lugar.

Tugon sa mga bagyong 'Rolly,' 'Ulysses'

Matatandaang umabot sa 230,726 kabahayan ang sinasabing napinsala ng dalawang sama ng panahon sa Luzon at Visayas. Sa bilang na 'yan, 35,000 ang "wasak na wasak."

Kung pagsasamahin ang pinsala ng dalawang bagyo sa agrikultura, papalo ito sa P17.8 bilyon matapos bayuhin ang Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bikol, Western Visayas at Eastern Visayas.

Ikinatuwa naman ng grupong College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang nasabing development, bagay na nangyayari kasabay ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

"[CEGP] welcomes this step for all the Filipino families who have been victimized by the state's criminal negligence," ayon sa grupo kanina.

— James Relativo

MAKABAYAN BLOC

ROLLY

TYPHOON

ULYSSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with