MANILA, Philippines — Pinapalakpakan ngayon ni presidential spokerperson Harry Roque ang inisyatibang "community pantries" sa buong Pilipinas ngayong nagbabalik ang mahihigpit na lockdowns laban sa COVID-19 — kahit na tugon ito sa aniya'y "kainutilan" ng gobyernong mamahagi ng ayuda sa gutom at 'di makapagtrabaho.
Tumutukoy ito sa inisyatibang nagsimula sa Maginhawa Street, Lungsod ng Quezon, kung saan libreng kumuha ng pagkain at libreng mamigay ng donasyon, bagay na may islogang "Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan."
Related Stories
Sinabi ni Roque na "hindi pagkundena sa bagal ng ayuda ng gobyerno" ang libreng pamamahagi ng pagkain sa community pantries na nagsusulputan ngayon. "Wala" rin daw masasabing founder nito.
Hihimayin natin ang mga pahayag ni Roque sa mga susunod na talata.
Claim No. 1: 'Hindi ito kritisismo sa gobyerno'
"I don't see that as a condemnation of government. It simply shows the best in us during the worst of times."
Sa panayam ng Rappler, una nang sinabi ni Patreng Non — ang nagpasimula ng Maginhawa Community Pantry noong nakaraang linggo — na naisipan niya itong gawin dahil sa kakulangan ng aksyon sa gutom at kahirapan ngayong lockdown.
"Pagod na akong magreklamo... pagod na ako sa inaction," wika ni Non, na kilalang negosyante't aktibista mula pa noong estudyante pa sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
"Matagal na rin tayong nagde-demand pero kulang talaga ‘yung dumarating. Kaya kailangan talaga nating magtulungan, community effort gano’n. Tayo-tayo na lang kasi," sabi naman niya sa Inquirer.
MAGINHAWA COMMUNITY PANTRY Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan ???????????????? Nag-install po ako ng...
Posted by AP Non on Tuesday, April 13, 2021
Matagal nang bahagi ang mga gaya ni Non sa mga bumabatikos sa pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19 pandemic, habang nananawagang patalsikin na ang presidente.
Mga progresibo rin ang kanyang mga kapatid at magulang, na siyang tumutulong din sa efforts sa ngayon. Gayunpaman, nangangamba ang ina ni Patreng na si Zena Bernardo na baka banatan ng presidente ang kanyang anak sa napipintong "Talk to the People" address ngayong gabi dahil dito.
Sinabi rin ni Bernardo na hindi panahon ngayon na i-redtag ang mga aktibista lalo na't pinupunan ng community pantries ang kakulangan ng government aid.
Kilalang islogan ng mga Marxista ang "From each according to his ability, to each according to his needs," bagay na kahawig ng panawagan ng Maginhawa Community Pantry.
Claim No. 2: 'Walang pwedeng mag-claim na founder'
"The community pantry represents the best in the Filipino. I don't think anyone can claim to be a founder of that. I think this is a spontaneous movement amongst Filipinos. It's part of our psyche to help one another kapag meron talagang panahon ng pangangailangan."
Guguho ang argumentong "walang founder" ang kilusang ito, lalo na kung sisilipin ang mga iba pang community pantries na gumaya sa naunang ginawa ni Non.
Halos lahat ay nagsasabing "inspired" sila ng orihinal na ideya ni Patreng.
P NOVAL COMMUNITY PANTRY Inspired by Maginhawa community pantry kaya gayahin na din namin pati caption ???? Magbigay...
Posted by Toots Vergara on Thursday, April 15, 2021
PARANG COMMUNITY PANTRY Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan ???????????????? Bukas na po kami sa tapat ng...
Posted by Mara De Guzman on Friday, April 16, 2021
DINALUPIHAN TONDO COMMUNITY PANTRY I hope that those who got their veggies really needs it. Sana hindi masayang....
Posted by Paulene Lim on Friday, April 16, 2021
Maari na po kayong pumunta upang magbigay ng kahit anong tulong o kumuha nang naayon sa inyong mga pangagailangan....
Posted by Bayombong Community Pantry on Friday, April 16, 2021
SOUTH CITY BINAN COMMUNITY PANTRY Inspired by Maginhawa community pantry by AP NON Magbigay ng ayon sa...
Posted by Emily Santiago-Fernando on Friday, April 16, 2021
Nasaan na tayo sa pamamahagi ng ayuda?
Nasaan na nga ba ang P1,000 ayuda kada tao na ipinangako noon nina Duterte para sa mga nakatira sa NCR Plus na inilagay sa lockdowns?
Sa panig ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi nila na 40.07% pa lang ng pondong nakalaan sa ayuda sa Metro Manila ang naibibigay sa mga low-income individuals na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).
Una nang inaprubahan ni Duterte ang nasa P22.9 bilyong pondo para sa 22.9 milyong indibidwal sa NCR Plus, kasama ang Bluacan, Rizal, Laguna at Cavite.
"We acknowledge po na P4 billion pa lang out of P23 billion ang naibibigay sa mga nangangailangan pero iyan po ay dahil nga po sa pandemya na iniiwasan natin na magkaroon ng hawaan iyong ating mga kababayan," ani Roque kanina.