One-stop big bike at small bike showroom nagbukas sa Valenzuela

Ang mga brand na available sa kanila sa ngayon ay ang mga sumusunod: Honda, Yamaha, Kawasaki, Suzuki, KTM at KYMCO.
Photo Release

MANILA, Philippines — Motor ba ang hanap mo? Big bike man o small bike ay mayroon nito ang Motortrade Mzone.

Kamakailan ay opisyal na binuksan ng Motortrade ang pinakauna nilang Mzone branch sa Valenzuela City.

Ang Mzone ay isang premium multi-brand showroom kung saan may display sila ng parehong small bike at big bike models.

Ang mga brand na available sa kanila sa ngayon ay ang mga sumusunod: Honda, Yamaha, Kawasaki, Suzuki, KTM at KYMCO.

Makikita sa 548 Paso De Blas Road, ang Motortrade Mzone ay may 500 sqm. facility na may display area na kasya ang mahigit sa dalawampung motorsiklo. Dagdag pa, may service bay na may limang lifter para mabilis at efficient ang pag-service sa mga units.

Sa loob naman ay may air-conditioned customer lounge kung saan komportableng kang makapagka-kape habang nag-aantay.

Sa pamamagitan ng isang glass partition ay maaari mo ring panoorin ang kanilang mga expert technicians habang sineserbisyohan ang iyong motor.

Ang Mzone ay may bihasang parts custodian na sinisigurong laging fully stocked ang kanilang spare parts counter.

Kasama sa pasilidad na ito ay isang classroom kung saan nagko-conduct ng Learn To Ride Safely seminar ang Motortrade para sa kanilang mga customers. Mayroon din silang test track sa bandang likuran para aktwal na makapag-practice magmotor ang mga participants.

Para na rin sa kaligtasan ng lahat, pinapaalala ng Motortrade na maaaring ding bisitahin muna ang kanilang website na www.motortrade.com.ph kung saan makikita ang kumpleto nilang product line-up. Maigi ring dito mag-sign up para sa kanilang Learn To Rise Safely Program. .

Hindi naman kailangang mag-alala ang mga gustong bumisita sa Mzone dahil mahigpit na ipinatutupad ng Motortrade ang IATF protocols.

Bago pumunta ay mag-register muna sa valtrace.appcase.net ng Valenzuela City para makapagdownload ng kaukulang QR code. Huwag ding kalilimutang magsuot ng face shield at face mask.  

Show comments