Stay at home muna, ayon sa grupong turismo
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng grupong Turismo, Isulong Mo ang mga Manggagawa Tourism industry, partikular na ang kani-kanilang pamilya, na kung maaari ay manatili na lamang sa mga bahay para hindi mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na lumalala sa mga araw na ito.
Ayon kay Turismo, Isulong Mo President Raissa Wynns Melivo, “Doon po sa mga kasama natin na matumal ang trabaho dahil wala o konti ang mga dumarating na turista, baka pwede sa bahay na lang muna tayo.”
Anya, mas malaki kasi ang chances na mahawa tayo at maiuwi sa ating bahay ang virus pag nasa labas lagi tayo ng bahay.
“Kaya nga po nakikiusap tayo noong nakaraang linggo na payagang makapag-loan ang mga unemployed workers namin na walang kolateral para mag-work at home sila tulad ng online selling o makapagbukas ng maliit na negosyo na dyan lang sa bahay nila o malapit sa tinitirhan nila,” dagdag ng Turismo president.
Hiniling din ni Melivo na kung maaari lang sana isama na rin ang lahat ng tourism workers sa mga priority na babakunahan para muling makapag-bukas na ang tourism industry natin,” sabi ni Melivo.
- Latest