PSN at ang masang Pilipino sa gitna ng pandemya

MANILA, Philippines — Sa loob ng tatlum­pu’t-limang taon ng serbisyong totoo, sa kabila ng pandemya, ay matatag pa rin ang Pilipino Star ngayon (PSN).

Bagama’t kinaila-ngan na maghigpit ng  sinturon, bunsod ng sinapit na krisis, hindi lamang ng ibang bansa ngunit ng buong mundo, nanatili  namang nakatayo ang  pamunuan ng PSN.

Tulad nang lahat ng mga Pilipino, naapektuhan ang ekonomiya ng bansa, kung saan ultimong malalaking kompanya ay nabinbin ang mga trabaho, ngunit taliwas sa PSN, nagpatuloy ang serbisyo nitong makapaghatid ng  maiinit na balita sa masang Pilipino.

Umabot na sa punto na sa bahay na lamang ginagawa ang mga pahina ng dyaryo na araw-araw na naglilingkod     sa mga tagapagtangkilik nito, upang maiwasan ang panganib na dulot ng COVID-19.

Sinikap ng mga tao sa likod ng imprenta at editoryal na magpatuloy na may maihatid na balita sa sambayanan, maganda man ito o ‘di kaaya-aya.

Nagtrabaho na nakangiti ang bawat isa sa editoryal at imprenta upang malampasan ang delubyo ng pandemya.

At tulad ng mga Pilipino na nanatiling matatag sa kanilang pakikibaka sa araw-araw na hamon ng buhay sa gitna ng pan-demya, sinikap din ng pamunuan ng PSN na isantabi ang hirap at sakit na dulot ng nakamamatay na virus.

Ginamit ng mga Pinoy ang kanilang ga-ling sa diskarte  upang malabanan ang hirap na dulot ng pandemya.

Ganito rin ang na-ging panuntunan ng PSN na kung saan ay ginamit din nila ang diskarte upang matugunan ang panganga­ilangan ng mga em-pleyado nito sa paraang walang maiiwan.

At ngayon nga na tatlumpu’t limang taon na ang PSN, patuloy na maglilingkod ang pahayagan ng masa sa pamama­gitan ng pagbibigay ng pinakabagong balita sa loob at labas ng bansa, may virus man o wala.

 

Show comments