MANILA, Philippines — Kasunod ng tuluy-tuloy nitong performance year on year sa 4G network at 5G improvements, ang Globe ay itinanghal na Global Rising Star in Video and Voice App Experience ng international analytics firm Opensignal sa Global Awards ngayong Marso.
Ang kompanya ay kinilala sa pagkamit ng 16% improvement laban sa global average na 5.8% para sa Video Experience, base sa datos na nagkukumpara sa H2 2019 at H2 2020.
“Consistency is key in delivering better service to our customers, and this award is a validation of our efforts towards improving network service experience. This helps inspire us to do more and continue along our path of building a #1stWorldNetwork,” wika ni Ernest Cu, Globe’s President and Chief Executive Officer.
Ang Globe ay sumusuporta sa United Nations Sustainable Development Goal No. 9 na naglalayong magtayo ng matatag na imprastraktura, isulong ang inclusive at sustainable industrialization at pagyamanin ang inobasyon. Ang Globe ay may komitment na pagtibayin ang 10 UN Global Compact principles at 10 UN SDGs.