^

Bansa

8 pa nagpositibo sa UK variant

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
8 pa nagpositibo sa UK variant
Sa pahayag ng Department of Health, ang lima ay kabilang sa wa­long bagong kaso ng UK variant o B.1.1 7 variant na umakyat na sa bilang na 25 mula noong Enero.
AFP/Ted Aljibe

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Walo pang kaso ng mas pelig­rosong UK variant ng COVID-19 ang kinumpirma sa huling resulta ng pagsusuring isinagawa ng Philippine Genome Center (PGC).

Sa pahayag ng Department of Health, ang lima ay kabilang sa wa­long bagong kaso ng UK variant o B.1.1 7 variant na umakyat na sa bilang na 25 mula noong Enero.

Lima sa mga bagong kaso ay mula sa Bontoc, Mountain Province na una nang nakapagtala ng 12 habang dalawa ang dumagdag sa La Trinidad, Benguet na may dati nang isang kaso.

Ang tatlo pang ba­gong kaso ng UK variant ay mula sa Cebu. Dalawa sa kanila ay pawang mga umuwing OFW na naka­rekober na.

Patuloy pa rin ang pag­sasagawa ng awtori­dad ng Biosurveillance activities upang matukoy ang posibleng pinanggalingan ng COVID-19 variant sa bansa nang masawata ang pagkalat nito.

PGC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with