Kabayanihan ng SAF 44 ginunita

Ang National Day of Remembrance para sa SAF 44 ay batay sa inilabas na Presidential Proclamation ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 para alalahanin ang “gallantry and bravery” ng SAF 44.

MANILA, Philippines — Ginunita kahapon ng PNP ang National Day of Remembrance para sa mga miyembro ng Special Action Force na tinawag na Fallen 44 na nasawi sa madugong engkuwentro laban sa Moro Islamic Liberation Front noong January 25, 2015 sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Pinangunahan ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, DPWH Sec. Mark Villar at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief B/Gen. Vicente Danao, ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng “Gallant 44.”

Ayon kay Sinas, hindi mawawala ang tapang at dedikasyon ng SAF sa kanilang tungkulin sa kabila nang sinapit ng kanilang mga kasamahan.

Ayon naman kay PNP-SAF Director, M/Gen. Bernabe Balba, ang kabayanihan ng “Gallant SAF 44” ay mananatili at magsisilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.

Ang National Day of Remembrance para sa SAF 44 ay batay sa inilabas na Presidential Proclamation ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 para alalahanin ang “gallantry and bravery” ng SAF 44.

Kung maaalala, na­­ging target ng ope­rasyon na tinawag na Oplan Exodus ang international terrorists at bomb maker na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

Napatay ng SAF troopers ang most wanted international terrorists na si Marwan pero ang kapalit nito ay ang 44 na buhay din ng tropa.

 

Show comments