^

Bansa

Bong Go sa gobyerno: Public school teachers hirap ang sitwasyon, patuloy na tulungan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na patuloy na tulungan ang public school teachers sa gitna ng kinakaharap na matinding hamon ng health crisis na dulot ng COVID-19 pandemic. 

Partikular na tinukoy ni Go ang hirap na dinaranas ngayon ng mga guro sa iniimplementang blended learning habang hindi pa pinapayagan ang face-to-face classes.

Nauna rito, hiniling ng Department of Education na aprubahan ang paglalabas ng Early Language Literacy and Numeracy (ELLN) Program Support Fund para maisuporta sa K-to-3 teachers at instructional leaders ng pedagogical knowledge and skills on literacy and numeracy.  

“Patuloy natin dapat sinusuportahan ang mga guro, lalung-lalo na ngayong pandemya. Hindi madali ang panahon ngayon. Naging mas challenging pa ang pag-aaral dahil nahaharap tayo sa maraming pagsubok, lalo na sa blended learning na ipinatutupad sa mga paaralan,” sabi ni Go.

Ang panukalang ELLN Fund na nagkakahalagang P20 million ay bilang suporta sa Region-wide Training on the Adoption of the Blended Delivery Model for Teacher Professional Development. 

Ang bahagi ng pondo ay ilalaan sa pagbili ng learning materials para sa teachers’ training. 

Gagamitin din itong subsidiya sa communication expenses o sa prepaid internet load upang ang teachers, school heads, at supervisors ay masustina ang kanilang online training at learning action cells.

SCHOOL TEACHERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with