Nadisgrasya ng pagpapaputok 14 na kahit wala pang Bagong Taon

Makikitang nakababa ang face masks ng mga batang ito habang hawak ang ilang pailaw sa gitna ng pagdiriwang ng Bagong Taon
The STAR/Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Tatlong araw bago ang New Year celebrations, nagpapatung-patong na ang bilang ng dinadala sa mga pagamutan dahil sa mga pailaw at paputok — mapa-iligal man o ligal.

Ito ang ibinahagi ng Department of Health sa kanilang bagong labas na fireworks related injury (FWRI) surveillance na inilabas sa kanilang website, Martes.

"There was one additional case of FWRI reported by the sentinel hospitals. This brings the total to 14 cases," ayon sa kagawaran.

"13 (93%) were injuries due to fireworks and 1 (7%) was a stray bullet injury."

Saklaw ng nasabing datos ang mga nadisgrasya mula 6 a.m. ng ika-21 hanggang ika-29 ng Disyembre.

Basahin: Prohibitions on fireworks still being enforced, DILG reminds public

May kinalaman: Baril ng PNP hindi ite-tape ngayong Pasko, Bagong Taon ngayong 'disiplinado' na raw sila

Mas kaonti ito ng 71% — o 35 kaso — kumpara sa mga numerong iniulat noong 2019. Kung kwekwentahin ang average cases mula 2015 hanggang 2019, mas kaonti ng 86% ang 2020 incidents.

Lumalabas na galing sa mga sumusunod na lugar ang 13 na nadali ng fireworks:

  • Bicol Region (3)
  • National Capital Region (3)
  • Western Visayas (2)
  • Central Luzon (1)
  • CALABARZON (1)
  • Central Visayas (1)
  • Davao Region (1)
  • Soccsksargen (1)

Sa mga sugatan, walo ang nagtamo ng "blast/burn injury without amputation" habang lima ang nagtamo ng pinsala sa kanilang mga mata.

Wala pa namang namamatay sa paggamit ng mga paputok, pailaw at baril kaugnay ng mga kasiyahan sa kasalukuyan.

 

'5 star' numero unong mapanakit

Kung paputok at paputok ang pag-uusapan, lumalabas na "5-star" ang firework of choice ng mga nadisgrasya — isang uri ng paputok na iligal.

Kabilang sa mga nakabiktima ang:

  • 5-Star (4)
  • Boga (2)
  • Baby Rocket (1)
  • Bong-bong (1)
  • Fountain (1)
  • Kwitis (1)
  • Piccolo (1)
  • Rebentador (1)
  • Whistle Bomb (1)

Pare-parehong ipinagbabawal ng batas ang pagamit ng 5-star, boga, Bong-bong at Piccolo.

Dahil diyan, mas marami pa ang ligal na paputok na nagdulot ng injuries sa ngayon.

May kaugnayan: LIST: Legal firecrackers, pyrotechnic devices

Isang 19-anyos na babae mula sa Maynila ang unang biktima ng Piccolo ngayong taon na siyang nasunugan ng daliri sa paa.

"Twelve cases (92%) were sent home after treatment. One case still admitted," dagdag pa ng DOH.

Show comments