Go: Operational guidelines sa Malasakit Centers Act nilagdaan
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na tuluy-tuloy na ang operasyon ng Malasakit Centers sa buong bansa matapos niyang daluhan ang paglalagda sa Joint Administrative Order (JAO) para sa operational guidelines ng implementasyon ng Malasakit Centers Act of 2019.
Ang signing ng JAO ay garantiya na wala na talagang makapipigil sa implementasyon ng Malasakit Center program sa ilalim ng Republic Act No. 11463.
Kabilang sa mga lumagda sa JAO ay ang mga pinuno ng apat na participating agencies— DOH, DSWD, PhilHealth at PCSO.
Sa naturang event, ginunita ni Go kung paano niya nabuo at ni Pangulong Duterte ang Malasakit Center program.
“Alam naman natin kung saan nag-umpisa itong Malasakit Center. Nag-umpisa ito kay Pangulong Duterte, dahil nakita ko talaga noon, [...] maraming mga pasyente po ng Davao City na walang pera ang tumatakbo sa city hall,” sabi ni Go.
Kaya noong December 2019, ang Malasakit Center Act of 2019 ay naisabatas na ang layon ay maitayo ang Malasakit Centers sa lahat ng 73 DOH-run hospitals sa bansa at isa sa Philippine General Hospital.
“Bakit pa natin pahirapan ang ating mga kababayan, eh, sa totoo naman, pera nila ‘yon. Kanila po ito, sa taumbayan ito, ibalik natin sa kanila. At nang naging Senador po ako, ipinangako ko na isabatas ito. Iyon po ang pinakauna kong naging batas,” ani Go.
- Latest