^

Bansa

Convicted drug lord ‘di raw nagbigay ng pera kay De Lima

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Convicted drug lord ‘di raw nagbigay ng pera kay De Lima
Ayon kay Atty. Boni Tacardon, legal counsel ni De Lima, kinumpirma sa korte ni Vicente Sy, na kailanman ay hindi niya binigyan ng pera o nakausap si De Lima taliwas sa unang pahayag nito na nagbigay siya ng pera para pondohan ang kampanya ng senadora noong 2016.
STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Binawi ng isang convicted drug lord ang nauna niyang pahayag na nagbigay siya ng pera kay Sen. Leila de Lima at inamin din na hindi niya kilala ang senador, sa isinagawang pagdinig noong Biyernes (Nob. 6) sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205.

Ayon kay Atty. Boni Tacardon, legal counsel ni De Lima, kinumpirma sa korte ni Vicente Sy, na kailanman ay hindi niya binigyan ng pera o nakausap si De Lima taliwas sa unang pahayag nito na nagbigay siya ng pera para pondohan ang kampanya ng senadora noong 2016.

“Si Vicente Sy ay tumestigo noon at sinabi niya na nag-ambag daw siya ng halagang 500k para daw sa kampanya ni Senator De Lima noong 2012. Pero sa aming pagtatanong, sinabi niya na kailanman ay hindi siya nagbigay ng pera kay Senator de Lima. Sinabi rin niya na hindi niya kilala si De Lima,” ani Tacardon.

Si Sy ay kabilang sa mga high profile inmate na may maluhong pamumuhay sa New Bilibid Prison (NBP) bago pangunahan ng noo’y Justice Secretary De Lima ang pag-raid at pagpapagiba sa mararangyang kubol dito noong 2014.

Dumalo si De Lima sa pagdinig sa pamamagitan ng teleconferencing habang naka-piit sa Custodial Center, Camp Crame, Quezon City.

Iprinisinta rin bilang testigo sa naturang pagdinig ang abogado mula sa Public Attorney Office (PAO) na si Atty. Rigel Salvador at inamin din nito na wala siyang personal na nalalaman sa diumano’y pagkakasangkot ni De Lima sa drug trade sa Bilibid.

Sinabi pa ni Tacardon, na kinumpirma ng isa pang testigo ng prosekusyon mula sa BuCor na si Dennis Alfonso na wala siyang nakuhang ebidensya mula sa kanilang isinagawang Oplan Galugad noong 2016 na magdidiin kay De Lima sa mga paratang laban sa kanya.

Naghain si De Lima ng dalawang magkahiwalay na Motion for Bail sa parehong kaso ng Conspiracy to Commit Illegal Drug Trading, kung saan iginiit niya ang mahinang kaso laban sa kanya. Isinumite na ang mga nasabing Motion for Bail para sa resolusyon ng Korte.

vuukle comment

DRUG LORD

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with