Cam Norte Gov. Tallado, kinasuhan sa Ombudsman ng Anti-Red Tape Authority
MANILA, Philippines — Sinampahan ng kaso ng Anti-Red Tape Authority sa Office of the Ombudsman si Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado dahil sa pagdadagdag ng mga requirements para makakuha ng business permit ang isang negosyante.
Sa reklamong inihain ni Director General Jeremiah Belgica sa Ombudsman, nilabag umano ni Gov. Tallado ang Republic Act 11032 na may kinalaman sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Nag-ugat ang reklamo matapos magdagdag si Gov. Tallado ng mga bagong requirements sa pagkuha ng business permit sa nasabing lalawigan na labag sa naturang batas.
Imbes umanong pabilisin ng gobernador ang proseso sa pagkuha ng business permit ay lalo lamang natagalan ang mga negosyante dahil sa pahirap na dagdag requirements.
Sabi naman ni Gov. Tallado, ipinatupad lamang daw niya ang ipinasang resolution ng Sangguniang Panlalawigan na nag-aatas ng karagdagang requirements para makakuha ng business permit ang mga negosyante sa kanilang probinsya.
- Latest