^

Bansa

FDA certification sa antigen test pinababawi

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
FDA certification sa antigen test pinababawi
Nababahala ang ilang medical groups at private companies matapos sabihin ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na mayroon lamang 71% sensiti­vity ang SD Biosensor, mas mababa pa sa sensitivity standard ng WHO para sa diagnostic performance ng isang antigen test.
APA/AFP/George Hochmuth

MANILA, Philippines — Umapela sa Food and Drug Administration (FDA) Philippines ang isang medical group na bawiin ang certification na binigay nito sa SD Biosensor antigen rapid diagnostic test matapos bumagsak sa performance standard ng Department of Health (DOH) at ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM).

Nababahala ang ilang medical groups at private companies matapos sabihin ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na mayroon lamang 71% sensiti­vity ang SD Biosensor, mas mababa pa sa sensitivity standard ng WHO para sa diagnostic performance ng isang antigen test.

Ang SD Biosensor ay ang parehong antigen test na hindi pumasa sa standards ng DOH sa ginawang pilot study nito sa Baguio para maibalik ang turismo sa nabanggit na lugar. Sinabi ng DOH na dapat mayroong at least 85 percent match.

Ayon sa FDA, memo noong Setyembre 3, sinabi ng regulatory board na ire-revoke nila ang certification ng antigen tests na hindi compliant sa standards na itinakda ng RITM.

ANTIGEN

COVID-19 TESTING

FDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with