Go: Calamity funds ubos na, typhoon-hit LGUs tulungan

MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga ahensiya ng gobyerno na tulu­ngan ang mga local go­vernment units na nasalanta ng Super Typhoon Rolly lalo’t naubos na ang kani-kanilang calamity funds sa pagresponde sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa panayam matapos pangunahan ang distribusyon ng ayuda sa higit 2 libong biktima ng sunog sa Sta. Mesa, Manila, sinabi ni Go na malaking tulong kung mabibigyan ng karagdagang financial assistance ang typhoon-hit LGUs upang makabili ng mga pagkain at esensyal na kagamitan para sa kanilang constituents.

“I’m appealing to the executive, kay Pangulong Duterte, kay [DBM] Sec. [Wendel] Avisado na tulu­ngan po ‘yung mga LGUs na wala na pong calamity fund para po magamit nila dito sa typhoon, pambili ng pagkain, pambili po ng gamot, dahil sunud-sunod po itong disaster na ating kinakaharap,” ani Go.

Bago pa ang panana­lasa ng Super Typhoon “Rolly”, inimpormahan na ni Go si Avisado na mahaharap sa malaking problema ang LGUs dahil ang kani-kanilang calamity funds ay nagamit na sa pagtugon sa COVID.

Show comments