MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong "Quinta" ang lakas nito, Lunes, at kasalukuyang nananalasa sa timog-bahagi ng Luzon, ayon sa huling ulat ng PAGASA.
Bandang 7 a.m. nang matagpuan ang mata ng bagyo sa Mamburao, Occidental Mindoro habang may dalang hanging aabot sa 125 kilometro kada oras malapit sa gitna.
Meron itong bugsong papalo hanggang 180 kilometro kada oras at kumikilos pakanluran sa bilis na 25 kilometro kara oras.
"Tinatayang mamamataan ang mata ng Typhoon 'Quinta' sa West Philippine Sea sa susunod na oras," wika pa ng state weather bureau sa Inggles.
"Pipihit naman ito pa-kanluran-hilagangkanluran habang napapanatili ang bilis nito patungo sa hangganan ng Philippine Area of Responsibility (PAR)."
Kahit typhoon na, maaaring pa itong mulakas lumakas pagdating ng West Philippine Sea.
Nakikitang makakalabas ng PAR ang bagyo bukas nang umaga.
Samantala, nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
- katumugang bahagi ng Batangas (Lian, Tuy, San Juan, Rosario, Padre Garcia, Lipa City, Cuenca, San Jose, Ibaan, Taysan, Lobo, Batangas City, Mabini, Tingloy, San Pascual, Bauan, Alitagtag, San Luis, Taal, Santa Teresita, Calatagan, Balayan, Calaca, Lemery, Agoncillo, San Nicolas, Mataas Na Kahoy)
- hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro (Oriental Mindoro (Mansalay, Roxas, Bongabong, Bansud, Gloria, Pinamalayan, Pola, Socorro, Victoria, Naujan, Calapan City, Baco, San Teodoro, Puerto Galera)
- hilaga at gitnang bahagi ng Occidental Mindoro (San Jose, Rizal, Calintaan, Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Paluan, Abra de Ilog) kasama ang Lubang Island
Signal No. 2 naman sa:
- Quezon
- Rizal
- Laguna
- nalalabing bahagi ng Batangas
- Cavite
- Metro Manila
- katimugang bahagi ng Bulacan (Norzagaray, Angat, San Rafael, Baliuag, Pulilan, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Malolos City, Plaridel, Bustos, San Jose del Monte City, Santa Maria, Pandi, Guiguinto, Balagtas, Bulacan, Bocaue, Meycauayan City, Obando, Marilao)
- katimugang bahagi ng Pampanga (Lubao, Sasmuan, Macabebe, Masantol, Minalin, Apalit)
- Bataan
- Marinduque
- hilagang bahagi ng Romblon (Concepcion, Banton, Corcuera, Romblon, San Agustin, Calatrava, San Andres, Odiongan, Santa Maria)
- nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
- Calamian Islands
- dulong hilagang bahagi ng Antique (Caluya)
Samantala, Signal No. 1 naman sa:
- Camarines Norte
- kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Calabanga, Naga City, Pili, Bula, Balatan, Minalabac, Milaor, Bombon, Magarao, Canaman, Camaligan, Gainza, San Fernando, Pasacao, Pamplona, Cabusao, Libmanan, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego)
- Burias Island
- nalalabing bahagi ng Romblon
- hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay) kasama ang Cuyo Islands
- timog bahagi ng Aurora (Dingalan, San Luis)
- katimugang bahagi ng Nueva Ecija (Gabaldon, Laur, Palayan City, General Tinio, Cabanatuan City, Aliaga, Zaragoza, Jaen, San Antonio, Santa Rosa, Peñaranda, Gapan City, San Leonardo, San Isidro, Cabiao)
- timog bahagi ng Tarlac (La Paz, Tarlac City, San Jose, Concepcion, Capas, Bamban)
- nalalabing bahagi ng Bulacan
- nalalabing bahagi ng Pampanga
- gitna at timog bahagi ng Zambales (Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Antonio, San Marcelino, Castillejos, Subic, Olongapo City)
- Aklan at hilagang bahaging Antique (Laua-An, Barbaza, Tibiao, Culasi, Sebaste, Pandan, Libertad)
Ano ang kahulugan ng mga wind signal?
Ang mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 3 ay nakararanas ng mga hanging papalo mula 121 hanggang 170 kilometro kada oras.
nasa 61 hanggang 120 kilometro kada oras naman ito para sa mga nasa signal no. 2 habang 30 hanggang 60 lang ito sa mga nasa signal no. 1.
"Makakatikim ng mapanirang typhoon-force winds sa mga nasa [Signal no. 3], mapaminsalang gale hanggang storm-force wins sa [mga nasa Signal no.2] at malakas na ihip ng hangin hanggang gale conditions sa [mga nasa Signal no. 1]," patuloy ng PAGASA.
"Maaari naman makaranas ng 2-3 metrong taas ng daluyong (storm surge) sa mga baybayin ng Camarines Norte at hilagang baybayin ng Quezon kasama ang Polilio Islands at Camarines Sur."
Nasa 1-2 metrong daluyong naman ang mangyayari sa coastal areas ng Batangas, Mrinduque, Occidental Minroto, Oriental Mindoro, Romblon at nalalabing coastal areas ng Quezon at Camarines Sur.
Tatamaan naman ng katamtaman hanggang malalakas at may minsanang matitinding pag-ulan sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, hilagang Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, CALABARZON, Aurora, Isabela, Aklan, Capiz at Antique. — James Relativo