Velasco, Cayetano bati na
MANILA, Philippines — Matapos ang ilang linggong girian at patutsadahan ay nagkabati na ang magkaribal na sina Speaker-elect Lord Allan Velasco at Taguig Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.
Ito ang kinumpirma ni Velasco sa pagbubukas ng special session kung saan ito mismo ang nag-preside at ipinaabot sa mga Kongresista ang magandang balita.
Sinabi ni Velasco na nagkasundo na sila ni Cayetano matapos naman silang ipatawag sa Palasyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Velasco, mabigat man ang pinagdaanan ng Kamara dahil sa mga nakalipas na kaganapan ay naisaayos din ito sa bandang huli.
Kasabay nito, ipinaabot din ni Velasco ang pakikipagkasundo sa iba pang mga Kongresistang solidong kaalyado ni Cayetano na hinimok nitong magkaisa, palakasin ang Kongreso at ipakita sa taumbayan na sila’y mga kagalang-galang.
Samantala, mabilis na na-appoint kahapon bilang Chairman ng Committee on Accounts si Presidential Son at Deputy Speaker Paolo “Pulong” Duterte.
Si Pulong ang hahalili sa puwesto na dating hawak ni Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.
Kabilang sa inihain ni Rep. Duterte ang House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020.”
“Trabaho lang tayo. Ano man ang dumating. Focus ko ay laging nasa mamamayan at bansa,” maikling pahayag ng Pre-sidential Son.
- Latest