^

Bansa

Operasyon ng LRT-2 suspendido nang tupukin ng apoy Santolan station

James Relativo - Philstar.com
Operasyon ng LRT-2 suspendido nang tupukin ng apoy Santolan station
Litrato ng bagon ng LRT-2
Mula sa Twitter ng LRT-2

MANILA, Philippines — Suspendido ang operasyon ng buong linya ng Light Rail Transit (LRT) line 2 matapos sumiklab ang sunog sa istasyon ng Santolan, Huwebes nang umaga.

Sa ulat ng dzMM, itinawag ang insidente bandanang 5:45 a.m., habang idineklara naman itong "fire out" bago mag-6:00 a.m. ng Pasig Central Fire Station.

"LRT-2 has temporarily suspended operations following a fire incident at Santolan this morning caused by burnt UPS," pagkukumpirma ng linya sa kanilang Twitter account.

"Investigation and intervention ongoing. Operations will immediately resume after verifying that no other system (equipment) has been affected."

Nanggaling diumano ang usok sa basement ng istasyon, ayon sa mga inisyal na ulat.

Nangyayari ang lahat ng ito habang hindi pa 100% ang operasyon ng mga jeep, bus, tren, taxi, at iba pang moda ng pampublikong transportasyon buhat ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Swerte namang walang pasaherong naapektuhan sa insidente lalo na't Oktubre 2019 pa nang huling mag-operate ang Santolan station simula nang magkasunog naman sa pagitan ng Katipunan at Anonas station.

Nasa 24,000-25,000 ang apektado sa tigil-operasyon. Susubukan namang maibalik ang operasyon ng Cubao hanggang Recto station (balikan) ngayong araw, ayon kay Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT-2.

Ang uninterruptible power supply (UPS) ang nagbibigay ng suplay ng kuryente sa signaling, fire alarm at emergency system ng tren. Hindi tuloy magiging ligtas ang operasyon ng tren ngayong wala ito.

"To resume 'yung safe operations as fast as possible, 'yun lagi ang objective namin," sambit ni Cabrera sa isang press briefing ngayong umaga.

Basahin: Sunog naitala malapit sa LRT-2 Katipunan station; operasyon suspendido

May kinalaman: 3 istasyon ng LRT-2 'di magagamit ng 9 na buwan kasunod ng sunog

Matatandaang napatid ang isang rectifier substaion (RSS) 5 sa Lungsod ng Quezon City na nagdulot ng nasabing apoy, dahilan para pare-parehong maging non-operational ang tatlong LRT-2 stations. Unang anibersaryo pa lang ng insidente nitong Sabado, ika-3 ng Oktubre. 

FIRE

LRT-2

SANTOLAN STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with