MANILA, Philippines — Sa kanyang pre-recorded speech na inere sa ika-75 na sesyon ng United Nations (UN) general assembly kagabi, ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagpapasa sa kontrobersyal na Anti-Terror Act of 2020 — bagay na "mas naglilinaw" daw sa mga dapat gawin para hindi bara-bara ang pagtugon sa terorismo.
'Yan ay kahit tinanggal ng batas ang P500,000 multa sa mga kasundaluhan at kapulisan oras na mapatunayang inosente ang pinagbintangan nilang "terorista" — isang safeguard kontra bara-barang pang-aaresto.
Ang multa ay imimu-multiply sa bilang ng araw ng pagkakapiit sa inosenteng terror suspect sa ilalim ng dating Human Security Act of 2007.
"The Marawi siege, where foreign terrorist fighters took part, taught us that an effective legal framework is crucial," paliwanag ni Digong, sa isang talumpating mas mahinahon kaysa sa nakagawian.
"Our 2020 Anti-Terrorism Act shores up the legal framework by focusing on both terrorism and the usual reckless response to it."
Umabot na sa 35 petisyon sa Korte Suprema ang inihain ng iba't ibang grupo — marami sa sa kanila'y human rights groups, aktibista, abogado't Moro — dahil diumano'y pagtapak nito sa karapatang pantao.
Dalawa pang petisyon mula sa Mindanao ang naisumite pa ngunit hindi pa nailalagay sa docket ng korte.
Basahin: Ano ang 'Anti-Terror Bill' at bakit may mga tutol dito?
Maliban sa pagtatanggal ng ng ilang legal safeguards, "malabo" raw kasi ang pagde-define ng batas sa terorismo, dahilan para halos maging saklaw na raw ang aktibismo at pagtuturo ng mga radikal na teorya sa akademya.
Pwede ring makulong ng hanggang 24 araw ang pinagbibintangan ng terorismo kahit na wala pa siyang pormal na kaso, maliban sa maaaring "warrantless" ang nasabing arrest. Hindi rin korte ang magdedesisyon kung sino ang terorista kundi ang Anti-Terrorism Council, na pinupuno ng sandamukal na Cabinet members na nag-uunay sa mga aktibista sa New People's Army.
Gayunpaman, sinabi ni Duterte na parte lang ito ng kanilang responsibilidad at pagtalima sa Security Council resolutions at UN Global Counter-Terrorism Strategy.
Pinalagan naman ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang ginawang pagdepensa rito ni Duterte, lalo na't napatay daw sa pamamagitan ng counter-insurgency efforts ang mga lider-aktibista na sina Randall Echanis, Zara Alvarez, Jory Porquia at Randy Malayao na pare-parehong ligal ang pagkilos.
"It is the Philippine government which has weaponized the law to go after critics and dissenters," wika ni Renato Reyes Jr., secretary general ng BAYAN ngayong Miyerkules.
"The human rights crisis is real and has been going on for the past four years. It is not an invention of the opposition. It is not a ploy by critics to make the government look bad. It is the direct result of the policies put in place by the Duterte regime. There is no one else to blame but the commander-in-chief."
'Pagtugon sa ugat ng extremism'
"Most importantly, we remain committed to rebuild stricken communities and address the root causes of terrorism and violent extremism in my country," dagdag pa ni Duterte kagabi.
Ito ay kahit ibinasura na niya ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na nagpapapag ng ilang reporma sa gobyerno para masolusyonan ang pagrerebolusyon ng kanilang armed-wing na NPA.
May kinalaman: Duterte formally terminates peace talks with Reds
Ang nasabing mga panukala ay inilatag ng NDFP sa kanilang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER), na nagtutulak ng ilang pagbabago sa gobyerno bilang sagot sa kahirapan. Primarya riyan ay ang pagtatayo ng sariling industriya at pamamahagi ng lupa sa magsasaka.
Gayunpaman, maaalalang sinabi ni Presidential Peace Adviser Carlito G. Galvez Jr. na hindi na kailangan ng gobyerno ang CASER.
"CASER is based on an obsolete framework and is no longer relevant since it is largely based on the pre-industrialization and pre-globalization era," ani Galvez sa isang talumpati nitong Enero 2020, habang iginigiit na labis itong pumapabor sa mga komunista.
"It is a formula for the surrender of the national government’s integrity as well as the state’s sovereignty."
Related video: