MANILA, Philippines — Upang tiyakin na hindi makakatakas, ipinalalagay ni Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera sa immigration watchlist, hold departure orders at Interpol red notices ang mga opisyal ng PhilHealth na inakusahang mga plunderers o mandarambong.
Ayon kay Herrera, dapat din na tiyakin ng mga awtoridad na masiguro ang lahat ng mga mahahalagang files sa PhilHealth na maaaring magamit na ebidensya. Nangangamba ang mambabatas na kung hindi agad aaksyon ang NBI at DoJ hinggil sa usapin ay maaaring sadyaing burahin ang mga importanteng dokumento.
“I appeal to the DOJ and the NBI to immediately cause the issuance of the needed legal authorization to secure the files and computers of PhilHealth to make sure evidence and witnesses do not suddenly vanish without any trace and so conveniently for the plunderers,” ayon sa solon.
Sinabi ni Herrera, matinding korapsyon ang nangyari sa PhilHealth kung saan winawasak ng sindikato ang mga files ng mga ebidensya, pinagtatakpan ang kanilang electronic trail at posibleng magsitakas na rin ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon patungo sa ibang bansa lalo na sa mga lugar na walang extradition treaty ang Pilipinas kaya dapat na bantayang mabuti ang mga ito.