^

Bansa

Practical tips sa pagmomotor ngayong tag-ulan

Pilipino Star Ngayon
Practical tips sa pagmomotor ngayong tag-ulan
Sa Pilipinas, kung saan halos kalahati ng taon ay maulan, hindi maiiwasang tayong mga riders ay abutin ng sama ng panahon sa daan.
Photo Release

MANILA, Philippines — May kasabihan sa loob ng motorcycle community: “If you don’t ride in the rain, you don’t ride.” Ito ay tila pangungutya sa mga riders na ayaw o takot magmotor kapag umuulan.

Kahit medyo eksaherado, may kaunting katotohanan naman dito. Sa Pilipinas, kung saan halos kalahati ng taon ay maulan, hindi maiiwasang tayong mga riders ay abutin ng sama ng panahon sa daan.

Narito ang mga maaari nating gawin upang mapanatiling ligtas ang byahe ngayong tag-ulan:

  1. Siguraduhing naka-on ang headlight – Kahit karamihan sa bagong modelo ng motor ngayon ay may ‘automatic headlight on function,’ may mga ilan pa ring may manual switch. Ayon sa batas, mandatory ang pagbubukas ng headlight tuwing nasa kalsada, araw man o gabi, para sa visibility ng ibang motorista, lalo kapag umuulan.
  2. Panatilihin ang tamang kondisyon ng gulong – Ang tread pattern ng ating mga gulong ay dinisenyo upang una, humawi ng tubig sa ibabaw ng kalsada at ikalawa, mas malapad na area ng goma ang nakalapat dito. Kapag mas kapit ang gulong, mas iwas dulas. Laging i-check ang tread indicator sa gilid ng gulong.
  3. Dagdagan ang ‘braking distance’ – Kung ang agwat mula sa sasakyan sa iyong harapan ay karaniwang  dalawang kotse ang layo, mas maiging dagdagan ito ng isa o dalawa pa tuwing nasa ang kalsada. Sa ganito kasing mga pagkakataon ay mas mahina ang kapit ng preno. Iwasan din ang biglaang pagpreno upang hindi mag-wheel lock at dumulas ang gulong.
  4. Maging marahan sa pag-arangkada – Gaya ng biglaang pagpreno, ang pabigla-biglang arangkada ay maaaring magresulta sa pagdulas ng gulong kapag basa ang kalsada.
  5. Gumamit ng tamang kapote – Iwasan ang mga kapote na nadadala ng hangin. Maaari nitong maapektuhan ang balanse ng rider. Mas mainam ding matingkad ang kulay nito para madaling makita sa daan.
  6. Tumabi kung kinakailangan – Kung sadyang malakas ang buhos ng ulan, lalo na kung sinasabayan ng humahampas na hangin, mas maiging tumabi muna at palipasin ito.

*Bonus tip – Huwag sumilong sa ilalim ng footbridge kung saan maaaring masagasaan ng mga parating na sasakyan.

 

Para sa karagdagang kaalaman sa safety riding techniques, maaaring mag-enroll sa mga riding clinics gaya ng Learn To Ride Safely Program ng Motortrade. Mag log on sa www.motortrade.com.ph o bumisita sa pinakamalapit na Motortrade branch sa inyong lugar para mag-inquire.

MOTORTRADE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with