^

Bansa

Crackdown vs substandard steel paigtingin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) ang mahigpit na pagmonitor at patawan ng karampatang parusa ang mga manufacturer and reseller ng substandard steel products.

Ito ay makaraang matuklasan ng mga awtoridad ang undersized reinforced steel bars sa ilang hardware stores sa Nueva Ecija at Pampanga.

“It is crucial that we rein in the proliferation of inferior steel products in the country especially as the construction sector goes through a slump because of the coronavirus pandemic,” ani PISI president Roberto Cola.

Ayon kay Cola, ang ganitong uri ng gawain ang siyang pumapatay sa industriya ng bakal dahil na rin sa pagkalat ng substandard steel products.

“Some manufactu­rers and traders are taking advantage of quarantine restrictions and taking shortcuts that ultimately will harm the end-user,” giit ni  Cola.

Gayunpaman, tiniyak ng industriya ng bakal na magsasagawa sila ng ‘test buys’ sa mga lugar na may nagbebenta ng substandard rebars upang maproteksiyunan ang publiko at maipadala sa Bureau of Product Standards (BPS) ang mga sample nito.

Nabatid na noong Hunyo, sa lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija ginawa ang ‘test buys’ at ipinadala ito ng BPS sa government testing laboratory at Metals Industry Research and Development Center ang samples.

Lumitaw sa pagsusuri na bagsak sa standards on mass variation and deformation requirement ng Philippine National Standards (PNS) ang steel rebars na sinasabing ginawa umano ng Philippine Kotain Metal and Real Steel Corp.

Dahil dito, posibleng manganib ang buhay ng mga taong gumamit substandard na bakal kapag may dumating na kalamidad.

“Low mass variation is like asking someone to pay for 1 kilo of steel and only getting 900g,” diin Cola.

Kaya’t iginiit ni Cola, kailangang magsampa ng reklamo ang mga consumer laban sa mga manufacturer at retailer na nagbebenta ng substandard rebars upang masawata ang umano’y ilegal na gawain.

PHILIPPINE IRON AND STEEL INSTITUTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with