Doktor, ospital, bangko dawit

Binigyang-diin pa ng mga testigo ang di­uma­no’y pang-aabuso at mga pagkakamali sa legal department at information technology office ng PhilHealth kaya lumaganap ang fradulent schemes.
STAR/File

Sa PhilHealth anomaly

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng “Task Force PhilHealth” na may mga doktor na sinasabing sangkot sa katiwalian sa Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) at maging mga ospital at bangko na nagsilbing remittance centers sa maanomalyang tran­saksiyon.

Sinabi ni Undersecretary Mark Perete, taga­pagsalita ng Department of Justice (DOJ), na dalawang dating konektado sa PhilHealth ang naging resource person na hiniling na huwag ilantad ang kanilang pagkilanlan, ang nagbigay ng impormasyon kaugnay sa fraudulent schemes sa loob ng kor­porasyon, sa ginanap na unang investigative meeting nitong Biyernes ng hapon, na tumagal ng 5 oras.

Kabilang aniya sa schemes ang pagbabayad ng ‘false’ o ‘fraudulent claims’, malversation of premiums, pambubulsa at exploitation o pagsasamantala ng ilan sa case rate system at ang interim reimbursement mechanism.

Binigyang-diin pa ng mga testigo ang di­uma­no’y pang-aabuso at mga pagkakamali sa legal department at information technology office ng PhilHealth kaya lumaganap ang fradulent schemes.

Sinabi naman ni Justice Secretary Me­nardo Guevarra, na magsasagawa sila ng “fresh investigations” sa mga alegasyon sa PhilHealth na hindi pa kabilang sa imbestigasyon o audit matapos matuklasan ang pagkakasangkot ng third parties.

Dagdag pa niya, magsasagawa rin ng lifestyle checks sa mga nakalipas at kasalukuyang PhilHealth officials, na paulit-ulit na nababanggit ng mga resource persons at testigo para maiugnay sa isinasagawang anti-fraud at anti-graft investigations.

Show comments