Ex-Comelec chair Brillantes pumanaw sa COVID -19

MANILA, Philippines — Tuluyan na ring pumanaw si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Sixto Brillantes, 80, dalawang linggo makaraan na ihayag ng kaniyang pamilya na nadapuan rin siya ng COVID-19.

Inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez ang pagpanaw ng kaniyang dating commissioner dakong alas-11:08 ng umaga sa loob ng hindi binanggit na pagamutan.

Matatandaan na nagpositibo sa COVID-19 RT-PCR test si Brillantes at isinailalim sa ‘intubation’ sa isang pagamutan para matulungan siya sa paghinga.

Si Brillantes ang chairman ng Comelec noong 2011 sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Show comments