Bayanihan 2 lusot na sa 2nd reading ng Kamara

MANILA, Philippines — Lusot na sa ikala-wang pagbasa ang Bayanihan 2 bill.

Sa ilalim ng House Bill 6933, tinatayang nasa P162 bilyon ang pondong ilalaan para sa mga probisyon ng panukala na tatalab hanggang buwan ng Disyembre.

Mas mataas naman ito kumpara sa P140 bilyon na pondong inilagay ng Senado sa bersyon nito ng Bayanihan 2.

Layon ng Bayanihan 2 na tugunan ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa socio economic well-being sa pamama­gitan ng pagbibigay ng ayuda, subsidy at iba pang socio economic relief.

Dagdag pa sa layu­nin nito ay ang ma-test, masuri, ma-isolate at ma­gamot ang mga CO-VID-19 case.

Samantala, inaasa-han namang sa susunod na linggo ay maipapasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Ba-yanihan 2.

Show comments