^

Bansa

Rizal Memorial naka-lockdown sa pagpositibo ng 48 LSIs sa COVID-19 rapid test

James Relativo - Philstar.com
Rizal Memorial naka-lockdown sa pagpositibo ng 48 LSIs sa COVID-19 rapid test
Makikita sa larawan ang nalalabing locally stranded individuals sa Rizal Memorial Sports Complex, Maynila noong Lunes nang hatinggabi kaugnay ng "Hatid Tulong" program ng gobyerno sa gitna ng pandemya
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isang araw munang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila para magsagawa ng mga paglilinis, matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) rapid test ang nas 48 locally stranded individuals (LSIs) na ihinatid sa kani-kanilang mga probinsya.

Ayon kay Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, lead convenor ng "Hatid Tulong" program, ilalagay muna sa lockdown ang baseball at track stradium ng nasabing lugar para i-disinfect simula 9:00 a.m., Huwebes.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Encabo na wala nang LSI sa naturang pasilidad matapos mapauwi ang huling batch ng 1,017 pasahero patungong Zamboanga Peninsula kanina.

Umabot sa 6,583 ang naging bahagi ng ikalawang batch ng "Hatid Tulong" initiative sa Rizal memorial, bagay na nabatikos matapos mag-viral ang mga siksikang larawan doon — sitwasyong hinog sa hawaan ng COVID-19.

Basahin: LOOK: Stranded individuals cramped up inside Rizal Memorial Sports Complex

May kinalaman: DOH dismayado sa pagsiksik ng mga 'stranded' sa Rizal Memorial; COVID-19 suspects doon 9 na

Nagpositibo ang 48 matapos ang mga rapid tests na isinagawa bago ang ibiyahe ng mga pasahero. Hinihintay ng mga nabanggit ang resulta ng kanilang swab tests mula sa mga quarantine facilities sa Maynila.

Ayon kay Encabo, irerekomenda niyang magsagawa na lang ng mga "pocket send offs" sa susunod upang mapigilan na ang paghahabol ng LSIs pagsapit ng weekend.

Payo ni Robredo

Kahapon lang nang ianunsyo ni Bise Presidente Leni Robredo ang kanyang mga rekomendasyon patungkol sa mga libreng RT-PCR swab testing para sa mga LSI — bagay na itinuturing bilang gold standard pagdating sa COVID-19 screening.

Ang mga swab tests ay 'di hamak na mas epektibo kumpara sa rapid tests, lalo na't ang mismong SARS-CoV-2 (na nagsasanhi ng COVID-19) ang mismong nade-detect nito at hindi basta antibodies.

"Hinahanap din ang mas organisadong pagpo-proseso ng mga LSI—at hindi ‘yong napipilitan silang matulog sa semento o sa ilalim ng tulay, o nagsisiksikan at nalalagay sa mas matinding peligro ng exposure sa COVID," sabi ni Robredo noong Miyerkules.

"Kailangang maglaan ng maayos na lugar kung saan puwede silang maghintay ng biyahe nang may sapat na espasyo at kung saan din ine-enforce na minimum health standards."

Dapat din daw bigyan ng karagdagang lakas ang mga local government units upang maiuwi ang mga LSI, at mabigyan ng maayos na pagkakakitaan pagdating sa kanilang mga tahanan: "Puwede itong gawin through cash-for-work programs na partikular para sa mga LSI."

LENI ROBREDO

NOVEL CORONAVIRUS

RAPID TEST

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with