Rapid test results lalagyan ng barcodes para ‘di mapeke
MANILA, Philippines — Plano ng Department of Health (DOH) na lagyan ng “bar codes” ang mga resulta ng COVID-19 anti-body rapid tests para matiyak na hindi ito madadaya.
Panukala ito ng DOH makaraan ang mga ulat na pinipeke o dinodoktor ang rapid test results ng ilang editing shops sa Quezon City para mapalabas na negatibo ang isang kustomer.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang resulta ng PCR tests ay may barcode at iba pang features na maaari ring mailagay sa rapid test results para hindi mapeke.
Nagbabala pa si Vergeire na ang pamemeke ng mga COVID results ay posibleng maging dahilan ng mas malawakang pagkalat ng virus.
Ang sinumang mahuhuli at mapatutunayang namemeke ng medical certificates ay sasampahan ng kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o Falsification of Documents.
- Latest