^

Bansa

Marami pang quarantine facilities, itayo - Go

Pilipino Star Ngayon
Marami pang quarantine facilities, itayo - Go
Hiniling ni Sen. Bong Go sa mga kasamang mambabatas na suportahan ang Senate Bill No. 1529 o ang “Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020” na kanyang inihain noong May 13, 2020.
Bong Go FB Page

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senator at Senate committee on health chairmann Christopher Lawrence “Bong” Go ang kanyang panawagan na magtayo ng marami pang quarantine facilities sa bawat rehiyon sa bansa.

Hiniling ni Sen. Go sa mga kasamang mambabatas na suportahan ang Senate Bill No. 1529 o ang “Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020” na kanyang inihain noong May 13, 2020.

“Kung mayroon na ta­yong nakahandang pasilidad para sa ganitong mga krisis o sakuna, mas mabilis at mas mabisa nating mapoprotektahan ang kalusugan ng kapwa nating Pilipino. The proposed measure filed aims to address this need and establish quarantine facilities all throughout the country,” aniya sa public hearing.

Sa panukala, aatasan ang Department of Health na magtukoy ng mga lokasyon sa pakikipagtulu­ngan ng Department of Public Works and Highways at local government units.

Ang health department ang magpapatakbo, magsu-supervise at mamamahala sa pasilidad na dapat ay may kumpletong gamit at mahuhusay na medical staff, sapat na pagkain, mga damit at iba pa.

Nauna na ring inirekomenda ni Go ang lalo pang pagpapalakas sa pagresponde ng bansa laban sa pandemya.

Sa kasalukuyan, ang DOH-run hospitals ay kapos sa infrastructure, adequate staffing, maintenance at operating resources na nagreresulta sa mahabang paghihintay ng mga pas­yente para magamot.

 

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with