DepEd, ‘di handa sa virtual classes, pagbubukas ng klase suspindihin – solon

Isinulong niya ang kanselasyon ngayong taon sa halip na gumamit ng virtual classrooms na mauuwi din sa wala dahil hindi lahat ng estudyante lalo na sa pampublikong paaralan ay may pambili ng e-learning gadgets o walang internet connection.
Boy santos, file

MANILA, Philippines  — Naniniwala si Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong na hindi pa handa ang Department of Education para sa virtual classes o online learning gayundin ang pagbubukas ng klase.

Isinulong niya ang kanselasyon ngayong taon sa halip na gumamit ng virtual classrooms na mauuwi din sa wala dahil hindi lahat ng estudyante lalo na sa pampublikong paaralan ay may pambili ng e-learning gadgets o walang internet connection.

Hindi na aniya nararapat na dagdagan pa ang pasa­nin ng mga magulang sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Giit ni Ong, na higit na apektado sakaling ipa­tupad ng DepEd ang online classes ay ang mga probinsyano students sa malalayong lalawigan na karamihan ay walang access sa mga e-learning gadget gaya ng smartphones, tablets, laptops, at stable internet connection.

Mungkahi ni Ong na upang hindi magkaroon ng kalituhan ay makabubuting ipaalam na ngayon pa lamang sa mga magulang upang hindi na rin mapilitan ang iba na gumastos pa o bumili ng gadgets.

Nangangamba si Ong na lalong bumaba ang kalidad ng edukasyon sa kawalan ng kahandaan sa Online Education.

Show comments