Opisina ni Bong Go tuloy sa pag-ayuda sa medical frontliners
MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbuhos ng ayuda sa mga ospital sa Mindanao mula sa mga pribadong donor sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na siyang nagpa-facilitate ng pamamahagi ng mga ito, tulad sa mga medical frontliners, personnel at staff ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) sa Cagayan de Oro City.
“Patuloy nating tutulungan ang mga hospital at ang kanilang medical frontliners and staff sa kanilang araw-araw na laban para masugpo ang COVID-19,” ani Go ukol sa coronavirus disease (COVID-19) outbreak na patuloy na nagbibigay ng banta sa marami nating kababayan.
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng private donors na hindi tumitigil ipakita sa sambayanang Pilipino na buhay ang bayanihan at pakikipagtulungan natin sa ating kapwa Pilipino,” anang senador.
Si NMMC chief Dr. Jose Chan ang personal na tumanggap ng mga nasabing donasyon sa isinagawang turnover activity. Lubos niyang pinasalamatan ang mga private donors na nagbigay ng daang sako ng bigas, face masks at thermal scanners.
Ang nasabing medical facility na matatagpuan sa Northern Mindanao ang pinakamalaking public tertiary hospital sa rehiyon. Ito rin ang nagsisilbing referral hospital sa lahat ng COVID-19 patients sa rehiyon matapos ma-accredite ng Department of Health and Research Institute for Tropical Medicine.
- Latest