^

Bansa

‘Private school teachers bigyan ng ayuda’ - DepEd

Pilipino Star Ngayon
�Private school teachers bigyan ng ayuda� - DepEd
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, kinonsulta na niya si acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua hinggil dito.
STAR/ Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Pinabibigyan ng tulong pinansiyal ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro mula sa maliliit na pribadong paaralan sa bansa.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, kinonsulta na niya si acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua hinggil dito.

“Ang sabi niya (Chua), we do it the same way for other small businesses, because we are referring to small schools,” anang kalihim.

Kaugnay nito, hihingi aniya ang DepEd mula sa mga pribadong paaralan ng listahan ng mga guro na maaa­ring kuwalipikado para sa ayuda.

Sinabi ni Briones na ang magiging pokus nila ay mga guro sa maliliit na paaralan na hindi mapasweldo.

“[Iyong] hanggang 10 months lang sila, so kapag walang klase, walang suweldo. Iyon ang gusto naming i-submit at bigyan ng assistance,” aniya.

Una nang napaulat na nasa kalahating milyong empleyado ng private school, na kinabibilangan ng teaching at non-teaching personnel ang apektado ng COVID-19 crisis.

Ang mga ito ay sinasabing tumatanggap ng mas maliit na sweldo habang ang ilan ay wala talagang sahod, sa ilalim ng “no work, no pay” scheme. (Mer Layson)

vuukle comment

KARL KENDRICK CHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with