MANILA, Philippines — Wala umanong problema sa muling pagbubukas ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations o POGO hangga’t itatakda ng Philippine Amusement and Gaming Corporations (PAGCOR) ang mga manggagawa nito na magkaroon ng Gaming Employment License o GEL IDs.
Sinabi ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, na ang pagbubukas ng POGO operations ay magbibigay ng cash flow para sa gobyerno na direktang nangangailangan para sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Umaasa din si Salceda na ang pag-iisyu ng GEL IDs sa bawat isang empleyado ng POGO ay makakatulong sa gobyerno para mahanap kung sinong POGO ang lehitimo at may kakayahang magbayad ng tamang buwis.