Bayarin sa ilaw, tubig, etc. gawing ‘3 gives’

Sa Senate Bill 1473 o ang “Three Gives Law”na inihain ni Tolentino, layon nito gawing tatlong hulog o bigay ang mga bayarin sa bahay tulad ng ilaw, tubig at telepono sa lahat ng halaga na babagsak sa due date sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine at iba pang kalamidad at emergencies.
The STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Francis Tolentino na bayaran ng “3 gives”ang mga bill sa ilaw, tubig at iba pang bayarin sa bahay sa tuwing nasa state of calamity ang bansa.

Sa Senate Bill 1473 o ang “Three Gives Law”na inihain ni Tolentino, layon nito gawing tatlong hulog o bigay ang mga bayarin sa bahay tulad ng ilaw, tubig at telepono sa lahat ng halaga na babagsak sa due date sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine at iba pang kalamidad at emergencies.

Iginiit ng senador ang kahalagahan ng panukala para mabawasan ang pasanin ng mga Filipino para maka-survive sa pang araw-araw na kinahakarap na hirap dulot ng pandemic.

Show comments