PUI at PUM hindi na gagamitin

Binago ito ng DOH upang mas matukoy umano ng maayos ang mga pasyente at maging tutok ang mga health workers sa mga dapat na unang asikasuhin.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

Pinalitan ng ‘suspect’ at ‘probable

MANILA, Philippines — Hindi na gagamitin ang klasipikasyon na PUMs o persons under monitoring at PUIs o persons under investigation sa pagtukoy sa mga hinihinalang COVID-19 patients.

Sa abiso ng Department of Health (DOH), ang mga bagong tawag ngayon dito ay ‘suspect’, ‘probable’, at ‘confirmed.’

Ayon sa nilabas na infographic ng DOH, wala na sa bagong klasipikasyon ang PUM.

`Suspek’ na ang gagamiting termino sa dating PUI.

Ang suspect case ay kung may taglay na mild, severe, critical na wala pang test o hindi pa nasusuri.

Probable kung may mild, severe, critical na hindi pa tiyak o tukoy ang resulta ng test.

Ang `confirmed’ naman ay gagamitin pa rin kung positibo na ito sa nasabing sakit.

Binago ito ng DOH upang mas matukoy umano ng maayos ang mga pasyente at maging tutok ang mga health workers sa mga dapat na unang asikasuhin.

Show comments